Sa kabila ng pagdumog tao na pumunta sa mga vaccination site nitong Lunes, Nob. 29, nakapagrehistro ang health office ng Zamboanga City ng mababang bilang ng mga residenteng target para sa Bayanihan Bakunahan.
Batay sa talaan ng City Health Office (CHO), humigit-kumulang 33,000 katao ang nagtungo sa mga vaccination center para makabunahan laban sa COVID-19, bilang na mas mababa ng 5,000 kumpara sa target ng Department og Health na 38,992.
Target ng DOH na mabakunahan ang 116,976 sa loob ng tatlong araw sa Zamboanga City.
May kabuuang 57 vaccination centers ang itinalaga ng Department of Health at ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga para ma-accommodate ang lahat ng makikiisa sa inisyatiba. Ang bilang ay mas mababa rin kaysa sa 87 na unang inilatag ng lokal na pamahalaan.
Sa isang panayam, iniugnay ng City Health Officer na si Dr. Dulce Miravite ang kakulangan hanggang sa pagkabigo ng ilang vaccination sites tulad ng mga ospital na ma-accommodate ang malaking bilang ng mga tao sa kanilang lugar.
Inabot hanggang alas-11 ng gabi ang mga health personnel at frontliner para makapamahagi ng bakuna sa daan-daang tao na pumila nitong Lunes.
Dahil sa kakulangan sa Pfizer vaccine syringes, napilitan ang pambansang pamahalaan na ibaba ang bilang ng mga target vaccinees mula 15 milyon hanggang 9 milyon.
Sa kabila nito, hindi pa rin binaba ng pamahalaan ang bilang ng target vaccines sa Zamboanga City.
Liza Abubakar-Jocson.