Kasong pagpaslang ang inirekomenda laban sa mga alagad ng batas para sa pagkamatay ng aktibistang si Emmanuel Asuncion, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan sa Cavite, sa operasyon ng mga pulisya sa Southern Luzon laban sa mga hinihinalang miyembro ng komunista noong Marso 7.

Ang mga operasyong isinagawa ng military at pulisya ay nagresulta sa pagkamatay ng siyam na aktibista at pagkasugat ng ilang iba pa.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra nitong Miyerkules, Disyembre 1, na ang rekomendasyon na magsampa ng kasong murder ay inirekomenda ng special investigating team (SIT) ng Inter-Agency Committee on Extrajudicial Killings, Enforced Disappearances, Torture and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security Persons.

Napatay si Asuncion sa isinagawang raid sa tanggapan ng Workers Assistance Center (WAC) sa Dasmarinas, Cavite.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iniutos ni Guevarra sa inter-agency committee ang imbestigasyon sa mga pamamaslang.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ang pagpaslang sa mag-asawang Chair at Ariel Evangelista ng Ugyana ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan at Kalupaan. (UMALPAS KA).

“The NBI (National Bureau of Investigation) is winding up its interviews of witnesses, and the SIT report will be out in about two weeks,” sabi ni Guevarra.

Ngunit, aniya, hindi pa sinisiyasat ng inter-ageny committee ang pagkamatay ng magpinsang Puroy at Randy dela Cruz, kapwa mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo at pinatay din noong Marso 7.

“The deaths of Puroy dela Cruz and Randy dela Cruz were not included in the probe as no cause-oriented connection was established,”paliwanag ni Guevarra.

Jeffrey Damicog