Sa latest tweet ng 'The Clash' season 1 runner-up na si Jong Madaliday, ipinahayag niya na umalis na siya sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network.

"Paalam Kapuso! (Red heart emoji). Thank you @ArtistCenter @gmanetwork Jong Madaliday Signing Off," ayon sa kaniyang tweet nitong Nobyembre 26.

Screengrab mula sa Twitter/Jong Madaliday

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bagama't hindi malinaw ang dahilan, may kinalaman kaya rito ang cryptic tweet niya nitong Nobeymbre 27 hinggil sa umano'y 'threatened' sa kaniya?

"Daming mapanira, sumisira para sa ikaligaya nila 'yong mga na-‘threatened sa akin noon 'til now sana sumaya kayo and ma- achieve n'yo dreams n'yo haha shota."

Screengrab mula sa Twitter/Jong Madaliday

Sa isa pang tweet, sinabi ni Jong na nagpositibo siya sa COVID-19 at halos dalawang buwang nagpahinga. May gumagawa rin umano ng fake news laban sa kaniya.

"Nag-positive ako sa COVID 2020 asymptomatic tapos mali pa gender ko kasi F nakalagay, tapos nakapagpahinga ako 2 months, after 2 months pinabalik na ako tapos nag-swab ako then negative naman, tapos ptang-i* tapos may gumawa ng fake news na nag short at."

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen:

"So what are your plans now?? Saan ka na dadalhin ng journey mo?? Just stay where your home is dahil nag-iisa lang 'yan."

"Thank you for showing your talent Jong. There is always next time. Just wait patiently for the right time to shine again. Never mind those bashers. Always remember, you possess a good talent."

"Goodluck Jong kahit lalabas ka sa ibang station kung lilipat ka man, support ka namin dahil once a Kapuso, always a Kapuso anyways, miss na namin contents mo gawa ka na ulit."

Samantala, wala pa pang ibang paliwanag si Jong kung bakit nga ba siya umalis sa Artist Center, o kumpirmasyon ng Artist Center na talaga ngang wala na sa kanilang poder ang singer.