Sinuspinde na ng pamahalaan ng bansang Japan ang mga bagong flight bookings bilang paghahanda sa mas nakakahawang variant ng COVID-19 na Omicron.
"We have asked airlines to halt accepting all new incoming flight reservations for one month starting December 1," ani ng Japanese transport ministry sa interbyu sa "AFP."
Nilinaw naman nila na mga "bagong flight bookings" lamang ang sususpindihin at mananatiling sa takdang araw at oras ang mga nauna nang scheduled travel flights.
Nakapagtala ng kauna-unahang Omicron case ang Japan noong Martes, Nobyembre 30, at nagsimula na ring maghigpit ang pamahalaan nito.
Ayon sa awtoridad, natuklasan nila ang second infection ng Omicron sa paparating na pasahero sa Japan, na nagmula naman sa bansang Peru.
Matatandaan na unang natuklasan ang Omicron variant sa bansang Brazil sa mga bansa sa Latin America, na nagpasimula sa pagsasara ng iba't-ibang bansa sa pagtanggap ng mga paparating na dayuhan — lalo na ng mga bansa mula sa dakong South Africa.