Sa kanyang Instagram post nitong hapon ng Miyerkules, Dis. 1, nagbigay ng malinaw na pahiwatig si Marian Rivera sa naunang blind item na nilabas kamakailan.

"Honored. ? ?#Grateful," caption ng Kapuso actress sa kanyang Instagram post.

Malinaw na pahiwatig ang emoji na korona at universe sa kanyang caption sa naunang mga ulat na isa sa mga uupong hurado ang "Primetime Queen" ng GMA Kapuso Network sa prestihiyusong beauty pageant.

Basahin: Marian Rivera, magsisilbi nga bang hurado sa Miss Universe 2021 sa Israel? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nakatakdang ganapin ang Miss Universe 2021 sa bansang Israel sa Disyembre 12.

Tsika at Intriga

Sofia Trazona sa bagong post ni Alvin Aragon: 'Ang dumi mag-isip ah walang respeto sa babae!'