Pormal nang iniluklok bilang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David D.D. ngayong Miyerkules, Disyembre 1.

Sinundan ni David sa pagka-presidente ng CBCP si Davao Archbishop Romulo Valles.

Matatandaan na noong Hulyo pa nahalal si David.

Papalit naman sa pwesto niya bilang bise-presidente ay si Bishop Mylo Hubert Vergara mula sa Pasig, at bagong miyembro ng ng konseho.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binubuo nila Archbishop Ricardo Baccay ng Tuguegarao, Bishop Dennis Villarojo ng Malolos, Bishop Ruperto Santos ng Balanga at Archbishop Gilbert Garcera ng Lipa ang konseho para sa Luzon.

Bishop Jose Bantolo ng Masbate, Bishop Patrick Daniel Parcon ng Talibon, at Bishop Louie Galbines ng Kabankalan para naman sa rehiyong Visayas.

Sina Archbishop Jose Cabantan ng Cagayan de Oro and Bishop Abel Apigo ng Mati naman ang kakatawan sa konseho mula sa Mindanao.

Ngayong araw, ipinagkaloob rin kay David ang Doctorate in Humanities, Honoris Causa ng Holy Angel University sa HAU Theatre, Angeles City, Pampanga.