Nagpatupad ang ilang kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang produktong liquefied petroleum gas (LPG) nitong Miyerkules, Disyembre 1.

Dakong 12:01 ng madaling araw, pinangunahan ng Petron ang pagbabawas ng ₱4.75 sa presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng ₱52.25 na tapyas-presyo sa bawat 11 kilogram ng LPG tank nito.

Bukod dito,tinapyasan din ng kumpanya ng ₱2.66 ang presyo ng kada litro ng kanilang Auto LPG na karaniwang ginagamit sa mga taxi.

Bukod dito,tinapyasan din ng kumpanya ng ₱2.66 ang presyo ng kada litro ng kanilang Auto LPG na karaniwang ginagamit sa mga taxi.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa international market.

Bella Gamotea