Umaabot na sa may 1,300 na tauhan ng Manila Police District (MPD) ang nakatanggap na ng booster shot laban sa COVID-19 nitong Miyerkules ng umaga.
Aang bakunahan para sa mga frontliner na pulis ay isinagawa sa MPD Headquarters sa United Nation Avenue, San Marcelino St., Ermita, Maynila.
Ayon kay MPD Spokesman Maj. Philipp Ines, bahagi ng A1 category o mga frontliner na katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan ngayong pandemya ang mgapulis.
Ang naturang bilang aniya ay ang mga pulis na nakakumpleto na ng bakuna matapos ang anim na buwan dahil ang iba ay katatanggap lamang kanilang 2nd dose.
Kaugnay nito, sinabi naman ni MPD Director PBGen Leo Francisco na wala na silang aktibong kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan.
Gayunman, umabot aniya sa mahigit 1,100 ang kabuuang bilang ng mga pulis-Maynila ang tinamaan ng virusat lima sa mga ito ang namatay.