Ang rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga vaccinees sa unang araw ng three-day Nationwide Vaccination Drive na inilunsad ng pamahalaan kahapon, Nobyembre 29.

Batay sa ulat ng National Covid-10 Vaccination Operations Center, ang Calabarzon ay nakapagtala ng kabuuang 216,357 jabs ng bakuna hanggang alas-3:00 lamang ng hapon ng Lunes.

Sumunod naman dito ang Region V na may 192,160 vaccinees at Region 3 na may 133,000. Ayon kay Department of Health (DOH)-Calabarzon Regional Director Ariel Valencia,  ang lalawigan naman na may pinakamataas na bilang ng vaccinees ay ang Batangas na may 60,681,  Cavite na may 48,636, Laguna na may 47,068, Rizal na may 35,855 at Quezon na may 24,117.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng vaccination teams sa inyong sakripisyo, lalo na iyong mga hindi nagcut-off at talagang inabot na ng gabi upang lahat ng nagpunta sa kanila ay mabakunahan,” ayon pa kay Valencia. 

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Although we haven’t reached our target of 1 million vax per day, the high influx of vaccinees in vaccination centers only shows that people’s hesitancy against the Covid vaccines are waning and they are already voluntarily accepting the Covid-19 vaccines," aniya pa.

Nabatid na personal na nag-ikot si Valencia sa mga vaccination sites sa rehiyon para i-asses at i-monitor ang pagbabakuna.

Dumalo rin siya sa national launching nito kasama si President Rodrigo Duterte sa SM Masinag, Antipolo City. 

“There are some minor issues that have been observed such as the lack of social distancing dahil na rin sa dami ng taong gustong magpabakuna. Als, there is poor ventilation in some areas but over-all, these were duly noted and coordinated with the LGU concerned," aniya.

“For vaccines and syringes we have sufficient allocation and continues to augment supplies of LGUs as per request,” pagtiyak niya.

Nabatid na mayroong kabuuang 1,920 vaccination teams na idineploy sa may 411 vaccination sites sa iba't ibang munisipalidad sa rehiyon.

Binubuo ang mga ito ng volunteers, health human resource para sa health, medical staff mula sa NCR hospitals, MMDA personnel at DOH officials na nagsilbing vaccinators.

Wala naman aniyang naitalang adverse event following immunization (AEFI) na naitala sa unang araw ng national vaccination day.

“We have already made the necessary adjustments in terms of deployment of manpower, logistics, and other issues on the field gaya ng pagdaragdag pa ng mobile at walk-in vaccination centers kung kinakailangan pa.. And hopefully today we can be more successful and achieve the target we have set of 1 million jabs a day,” ani Valencia. 

Mary Ann Santiago