Binigyang-pugay ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Martes, Nobyembre 30, ang mga medical workers sa paggunita ng ika-158 na anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.
Sa kanyang talumpati sa Liwasang Bonifacio, kinilala ni Domagoso ang mga medical frontliners sa kanilang mga sakripisyo at kontribusyon sa bansa.
“Ngayon ay maituturing natin ang mga bagong bayani na mga doctor, nurses. Ngayong araw na ito ay kinikilala rin natin sila sapagkat nakakalungkot isipin na ‘yung ating mga doktor at nurses paid also, some of them, the ultimate price serving our people. Sabi nga in government service there is what we called occupational hazards," ani Domagoso.
Binanggit din ni Domagoso ang pagsisikap ng Manila Police District (PD) na ipinagsapalaran ang kanilang buhay upang matiyak na ligtas ng mga Manileños sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Public servants, doctors and nurses, and all other members of the government, the members of the Manila Police District paid also the price,” aniya.
“Kaya bagay na huwag din nating kakalimutan kahit papano sa maliit nating kaparaan mag-alay naman tayo ng dasal sa kanila at sa kanilang mga kaluluwa na naway tanggapin sa langit ng ating Panginoong Diyos and mga taong nasawi mailigtas lang ang bawat batang Maynila o bawat Pilipino sa buong bansa," dagdag pa niya.
Jaleen Ramos