Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Nobyembre 30, na hindi na kailangang bumalik sa paggamit ng mga face shield dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Sa isang panayam sa ANC, sinabi ni Dr. Althea de Guzman, medical specialist sa DOH Epidemiology Bureau na ibinibigay na nila sa mga pribadong establisyimento ang desisyon sa mandatong paggamit ng mga face shield.
“But right now, there is no need at this very low transmission level na idagdag natin yung face shield," aniya.
Sa patuloy na pagbaba ng transmissonlevel, sinabi ni De Guzman na kailangan nang buksan ang mga sektor sa ligtas na pamamaraan. Ipinaliwanag din niya na ang paggamit ng face mask ay makatutulong sa pagbibigay ng proteksyon habang unti-unti binubuksan ng bansa ang ekonomiya.
Noong Lunes, Nob. 29, binigyang-diin ni Health Secretary Francisco Duque III ang proteksyon na maibibigay ng face shiledsa gitna ng banta ng Omicron variant. Sa kanilang pagpupulong kasama si Pangulong Duterte, mga health experts, at Cabinet officials-- sinabi niyang gumagamit pa rin siya ng face shield.
Matatandaan na noong Nobyembre 15, inaprubahani Pangulong Duterte ang rekomendasyon ngInter-Agency Task Force’s (IATF)na alisin na ang mandatoryong paggamit ng face shields sa ilalim ng Alert Level 1 to 3.
Dhel Nazario