Wala umanong magaganap na substitution para sa ginawang withdrawal o pag-urong ni Senador Christopher “Bong” Go mula sa 2022 presidential race dahil ito’y boluntaryo lamang.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, “Since it would be a voluntary withdrawal, no substitution.”

Sinabi pa ni Jimenez na kinakailangan ni Go na personal na magtungo sa tanggapan ng Comelec upang gawing pormal ang kanyang pag-urong sa kanyang kandidatura.

Hindi naman aniya maaaring magtungo si Go sa kanilang tanggapan nitong Martes. Nobyembre 30, dahil ito ay araw ng holiday at natapat sa araw ng paggunita sa ika-158 taon ng kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The Law Department currently has no authority to accept any filings, considering that today is a holiday,” ani Jimenez.

Nauna rito, inianunsiyo na ni Go na binabawi na niya ang kanyang presidential bid dahil ayaw umano niyang maipit si Pangulong Duterte.

Bukod dito, ayaw rin aniya ng kanyang pamilya na tumakbo siya sa eleksiyon.

“Ayaw rin talaga ng aking pamilya kaya naisip ko na siguro ay hindi ko pa panahon sa ngayon. Diyos lang ang nakakaalam kung kailan ang tamang panahon. Ayaw ko ring maipit si Pangulong Duterte. Higit pa sa tatay ang pagmamahal ko sa kanya,” aniya pa.

“In the past few days, I realized that my heart and my mind are contradicting my actions. Talagang nagre-resist ang aking katawan, puso, at isipan. Tao lang po ako na nasasaktan at napapagod din,” dagdag pa ng senador.

Mary Ann Santiago