Inihayag ni Senador Christopher "Bong" Go nitong Martes na aatras na siya sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Inilahad ni Go ang kanyang desisyon sa isang panayam sa mga mamamayagnang dumalo si Pangulong Duterte sa paggunita ng ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City nitong Nobyembre 30.

Matatandaang naghain ng kandidatura ang senador bilang bise presidente sa ilalim ngPartido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban)at kalauna'y binawi ito at tumakbo bilang presidente sa ilalim ngPederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

“In the past few days, I realized that my heart and my mind are contradicting my action. Talagang nagre-resist po ang aking katawan, puso at isipan. Tao lang po ako na nasasaktan at napapagod," sinabi ni Go sa isang panayam.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Sa ngayon po yun ang mga rason ko that is why I am withdrawing from the race," aniya pa.

Isinawalatniya na tutol ang kanyang pamilya sa kanyang kandidatura:“Kaya naisip ko na siguro ay hindi ko pa po panahon sa ngayon."

Ayon sa senador, nagpasya siyang umatras upang hindi na lalong maipit si Pangulong Duterte.

“Ayoko rin pong lalong maipit si Pangulong Duterte higit pa po sa tatay ang pagmamahal ko sa kanya. Matanda na po siya at marami na rin siyang naibigay para sa bayan, ayaw ko na pong dagdagan pa ang kanyang problema," aniya.

“Nananatili akong tapat sa kanya at nangako akong sasamahan ko po siya habambuhay. Yun po ang pinangako ko sa kanya noon pa man," pagdiiinng senador.

“Having said this i leave my fate to god and to filipino people as i bow to do my best everyday to serve selflessly and tirelessly. I am willing to make the supreme sacrifice for the good of our country and for the sake of unity among our supporters,” dagdag pa niya.

Hannah Torregoza