Sinabi ni Presidential aspirant Vice President Leni Robredo nitong Lunes, Nob. 29 na nais niyang suriin ang alokasyon agricultural budget, i-reroute ito sa mga agricultural susbsectors na higit na nangangailangan, at muling sanayin ang mga magsasaka na magtanim ng mga pananim na may mataas na demand.
Muli niyang idiniin na sa unang taon ng kanyang pamumuno, dodoblehin niya ang budget ng sektor ng agrikultura--mula 1.7.
Ito ay upang makahabol ang bansa sa pinakamahuhusay na kagawian ng mga kalapit na bansa na may “papaunlad” na sektor ng agrikultura tulad ng Vietnam at Thailand.
Ngunit sinabi ni Robredo na hindi lang mahalagang tingnan ang budget sa kabuuan, kundi repasuhin din kung paano ito inilalaan.
“So kailangan tingnan natin hindi lang iyong buo pero tingnan din natin kung makatarungan ba iyong distribution ng buong budget. Kasi pag sinabi nating makatarungan ba, nasaan ba iyong opportunities,” sabi ni Robredo sa naganap na Agri 2022 Online Forum para sa mga presidential bet.
Binigyan-diin ng aspiring president ang pangangailangang alamin ang “pinaka-matatag” na subsektor ng agrikultura upang bigyan ng mas ma maraming “oportunidad.”
Sa ngayon, ipinaliwanag ni Robredo na sa P58 bilyong agricultural budget P15.5 bilyon ang napupunta sa bigas at P3 bilyon sa pangisdaan. Ang natitira sa mga subsector ay tumatanggap lang ng higit P1 bilyon bawat isa.
Binanggit ng Bise Presidente na kabilang sa pag-imprub ng budget para sa sektor ng agrikultura ang pamumuhunan sa mga pananim na angkop sa klima, depende sa pangangailangan ng pananim at sa klima sa bawat lalawigan ng bansa.
“It will be more difficult for us if the budget is too centralized in the sense if we continue the status quo, we have the same problem after 20 years,” ani Robredo.
Nalulungkot aniya siya na ang mga mangingisda ay “kabilang sa pinakamahihirap” sa kabila ng mas maraming tubig ang Pilipinas kaysa sa lupa.
Raymund Antonio