Nagbigay ng babala ang kontrobersyal na religious leader ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy na lalo pa raw lalala ang pandemya ng COVID-19 kapag ipinagpatuloy pa ang pag-uusig sa kaniya ng mga tao.

Bahagi ito ng kaniyang pagtatanggol sa sarili at mga kasamahang inaakusahan at sinampahan ng kasong sex-trafficking charges sa Amerika.

Kapag hindi umano tumigil ang mga tao sa paninirang-puri at pag-usig sa kaniya, mararanasan umano ng sangkatauhan ang mas pinalalang basgik ng COVID variant na Omicron. Kinikilala ni Quiboloy ang kaniyang sarili bilang 'Appointed Son of God' sa henerasyong ito.

“Do not ever ever play a joke, or continue to pursue the persecution of the appointed son because the Father in heaven has already declared through the appointed son. No one can escape this,” pahayag ni Quiboloy sa naganap na Sunday worship service sa Davao City nitong Nobyembre 28.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The way you treat the appointed son of God here is the way the world is going to receive its judgment. If you keep on hurting, persecuting, and harming the appointed son of the kingdom, you will see much worse than the Omicron virus," aniya.

“You might see in the future people walking, their flesh rotting away but they’re still alive. Flesh-eating bacteria that are immune to any vaccine that will come," pahayag pa niya.