CEBU CITY – Dalawang lalaki ang nakilala sa kanilang barangay bilang mga drayber ng public utility jeeney (PUJ).

Inabot ng ilang linggo ang surveillance bago natuklasan ng mga pulis kung ano sina Vinch Neil Arnais at Jessie Callero na higit pa sa mga PUJ drivers.

Malaking bahagi ng hinihinalang shabu ang nasamsam kina Arnaiz at Caballero na naaresto sa isang buy-bust operation pasado alas-11 ng gabi, Linggo, Nob. 28 sa C. Padilla Street sa Barangay Duljo-Fatima sa lungsod ng Cebu.

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Cebu City Police Office (CCPO).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Police Maj. Jonathan Bethooven Taneo, hepe DEU ng CCPO na 2.5 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P13.7 milyon ang nasabat mula sa dalawang lalaki.

Sinabi ni Taneo na si Arnaiz ay isa sa mga “high value individuals” na mahigpit na binabantayan ng pulisya.

Idinagdag ni Taneo na ang pangalan ni Arnaiz ay lumitaw nang maaresto ng pulisya ang ilang mga illegal drug peddlers sa mga nakaraang operasyon.

Ang mga nasabat na iligal na droga ay itinurn-over sa police crime laboratory para sa karagdagang pagsusuri.

Magsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad upang matukoy kung saan nakuha ng dalawang suspek ang suplay ng iligal na droga, ani Taneo.

Calvin Cordova