Nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, Nob. 29 ang batas na naglalaan ng 53.86 percent ng P22.2 bilyong budget ng lungsod ng Maynila para sa mga serbisyong panlipunan.

Isinagawa ang budget signing sa Manila City Hall nitong tanghali ng Lunes.

May 53.86 percent ng P22.2 bilyon na budget na himigit kumulang P11.95 bilyon ang ilalaan para sa mga serbisyong panlipunan.

Ayon sa Manila Public Information Office, ang bahaging ilalaan para sa serbisyong panlipunan ay hahatiin sa mga sumusunod: 16.69 percent para sa Health Services, 10.72 percent para sa social amelioration program, 5.10 percent para sa pamamahagi ng food pack, at 3.81 percent para sa edukasyon, na may kabuuang bilang sa humigit-kumulang 36.32 percent mula sa 53.86 percent ng kabuuang badyet.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Binawasan natin yung mga pagawain bayan sa kalsada at nilakihan yung portion na makaramdam naman ang taong bayan sa lungsod ng Maynila na may gobyerno sa Maynila,” sabi ni Domagoso.

Ang pagtaas ng P2.2 bilyon ay makikita sa 2022 budget kumpara sa 2021 budget na humigit-kumulang P20 bilyon, at P4.35 bilyon na pagtaas mula sa 2020 budget na P17.85 bilyon.

Ang 2021 budget ng lungsod na P20 bilyon, na nakatuon sa pagtugon sa gutom at kawalan ng trabaho, ay naglaan ng humigit kumulang P10.945 bilyon para sa mga serbisyong panlipunan o 54.72 percent ng taunang budget.

“Very responsive yung 53.86 [percent] na budget sa COVID,”sabi ng alkalde.

Seth Cabanban