Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo ngayong Martes, Nobyembre 30.

Sa pangunguna ng Pilipinas, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes,magbababa ito ng P1.10 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.60 sa presyo ng diesel at P0.50 naman sa kerosene nito.

Agad itong sinundan ng mga kumpanyang Chevron, Petron, Seaoil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Total Philippines, Petro Gazz, Unioil at Eastern Petroleum sa kahalintulad na bawas-presyo sa kanilang petrolyo. Ito na ang ikaapat na sunod na linggong oil price rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Bella Gamotea