Muling nagkrus ang mga landas nina ABS-CBN field reporter Mario Dumaual at DC Queen ng Eat Bulaga Maja Salvador sa media conference na isinagawa para sa bagong beauty product na ineendorso ni Maja nitong Huwebes, Nobyembre 25, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Nagsabihan ng 'I miss you' ang isa't isa. Inusisa ni Mario si Maja kung kumusta na nga ba ito for the last two years at ngayong in control na ito sa kaniyang sariling karera.

Sagot naman ni Maja, araw-araw ay isang malaking proseso para sa kaniya, lalo't malaking bahagi ng showbiz career niya ay iginugol niya sa ABS-CBN kung saan siya nadiskubre at nakilala.

“Ahhmm, ano pa rin ako… every day it’s still a process for me. May proseso pa rin sa akin yung… ahhmm… of course with 18 years with ABS-CBN, very grateful. And hindi naman natin winish na mangyari kung ano ang nangyari sa ABS, 'di ba? Tapos… so 'yun," aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Kung nasaan man ako ngayon, I am thankful. Blessed ako, grateful ako kung ano man ang shows na ginagawa ko. But still, every day is a process pa rin for me. Yung acceptance… kung nasaan. But I am happy."

Sino nga naman ba ang ang makakaisip na posible pala siyang mapanood sa longest-running noontime show ng bansa na 'Eat Bulaga', na inamin niyang bata pa lamang siya, talagang nanonood na sila nito. Umeere ang EB sa GMA Network kaya partly ay masasabing Kapuso na rin siya. Isa rin siyang Kapatid dahil pinagbibidahan niya ang teleseryeng 'Niña Niño'.

“Kasi… siguro po, sa 18 years ko na yun sa industriya, nandun na yung mga experiences ko at may mga taong nagtitiwala sa akin kaya di po ulit tayo napapabayaan ni God. Kaya andami rin pong mga offers, ganyan. So, 'yun… masaya, grateful, but still nandun pa rin tayo sa… paggising mo, proseso. ‘Ah, oo nga pala.’ Ganun," paliwanag pa niya.

Matatandaang kumalas na si Maja sa Star Magic at nagtayo sila ng sariling talent management company ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez, ito ay ang Crown Artist Management, kung saan, sila ang nagma-manage sa mga papausbong na stars, at syempre, ang nagbabalik-showbiz na si John Lloyd Cruz, na pumirma na rin ng kontrata sa GMA Network.

Maja Salvador launches own artist management agency – Manila Bulletin
Maja Salvador (Larawan mula sa FB/Crown Artist Management)

Tanong ng marami, wala na ba talagang chance para makagawa ng teleserye si Maja sa Kapamilya Network?