Hinikayat ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang mga local government units (LGUs) na mag-accommodate ng mga walk-in vaccinees sa panahon nang pagdaraos ng tatlong araw na nationwide vaccination drive laban sa COVID-19, na umarangkada na nitong Lunes, Nobyembre 29, at nakatakdang magtapos sa Disyembre 1, Miyerkules.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na siyang pinuno ng National Vaccination Operations Center (NVOC), bagamat maganda ang registration dahil mas maayos ito, hinihikayat pa rin nila ang mga LGUs na tumanggap ng mga walk-ins, lalo na ang mga senior citizen at most vulnerable.

Nagpaalala naman si Cabotaje na dapat lang na ayusin ng mga LGUs ang mga linya ng mga magpapabakuna upang matiyak na maipatutupad ng maayos ang social distancing.

Sinabi ni Cabotaje na bukas ang vaccination drive para sa mga tatanggap ng first at second dose ng bakuna.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Maaari rin aniyang magpa-booster shots na ang mga senior citizens at immunocompromised individuals sa naturang three-day campaign.

Matatandaang layunin ng naturang tatlong araw na vaccination drive na makapagbakuna ng may siyam na milyong Pinoy laban sa COVID-19.

Plano rin ng DOH na masundan pa ang naturang vaccination drive ng tatlong araw pa, o mula Disyembre 15 hanggang 17 naman.

Mary Ann Santiago