Inaliw ng Kpop star at 'Face genius' na si Cha Eun Woo ang Filipino fans matapos nitong sariwain ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-alam ng tourist spots sa bansa at pag-aaral ng Tagalog.

Sa ikalawang episode ng Penshoppe TV, bibong nag-presenta ng mga pagkaing Korean at pag-aaral nang bahagya sa kultura ng Pilipinas ang nasabing K-pop star.

Sa unang bahagi ng show, sa segment na W.E.W.E. o What Eun Woo Eats, iprinesenta niya ang kanyang mga paboritong pagkain.

Ilan sa ibinahagi niya bilang mga paboritong pagkain ay pork belly, makgeolli o alcohol drink na gawa sa bigas, pajeon, isang uri ng pancake na gawa sa gulay at seafood, bibimnaengmyun o spicy cold noodle dish, mandu o korean dumplings, at snack wraps.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Samantala, inirekomenda naman ng K-pop star sa mga Filipino fans nito ang Fried chicken at Rapokki o pinagsamang teopokki at ramyeon noodles pati na rin ang 'Ah Ah' o iced americano.

Nakatanggap din si Eun Woo ng 'balikbayan box' at nauna na niyang ipinakita ang laman nitong ukulele, representasyon ng pagmamahal ng mga Pilipino sa musika.

"I sang a filipino song at my last fan meeting in the Philippines, and I also listened to a lot of Filipino songs while I was studying in the Philippines," pagbabahagi ni Eun Woo.

Naglalaman din ang balikbayan box ng Pinoy delicacy na chicharon, at mga larawan ng sikat na tourist spot sa bansa.

Ilan sa mga sikat na lugar na ipinakita ni Eun Woo ay ang Boracay, Bananue rice terraces, Baguio, Taal volcano, El Nido, Mayon volcano, at Tinuy-an falls.

Pumili naman siya ng destinasyon na gusto niyang puntahan kung sakaling pupunta siya ng Pilipinas.

Aniya, "I want to go to Boracay and the one with the coral reefs… El Nido. I'd be really happy if I could go on a vacation to these two places."

Na-feature rin ang tinaguriang "Philippine's King of the Road" o jeepney.

Ibinahagi rin ng Kpop star ang kanyang karanasan sa pagco-commute noong nalagi siya sa Pilipinas.

"I used to ride this a lot. I would pay to get on it when I was little and just ride around with the older kids."

Pagkatapos sariwain ni Eun Woo ang kanyang karanasan ay sinundan na ito ng ikalawang parte ng show na kung saan ay inaral niya ang ilan sa mga Tagalog na pangungusap.

Ang tatlong pangungusap na kanyang inaral at ginamit sa pakikipag-usap ay ang mga katagang "Kumain ka na?" "Ikaw ang lahat sa akin" at "Hindi ako makahintay na makita ka."

Nag-iwan naman ng mensahe si Eun Woo sa mga Aroha, o fandom ng kinabibilangan nyang grupo na 'Astro.'