Isinailalim na ngayon sa red list ng Pilipinas ang 14 na bansa simula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15 kasunod na rin ng pagkakadisubreng bagong Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa pahayag ngMalacañang nitong Linggo, Nobyembre 15.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kabilang sa mga bansang nasa red list ang South Africa,Botswana,Namibia,Zimbabwe,Lesotho,Eswatini,Mozambique,Austria,Czech Republic,Hungary,The Netherlands,Switzerland,Belgium atItaly.

Tinukoynaman ngInter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang red list territories bilang "high risk" batay na rin sa mga sukatan para sa populasyong mataas pa sa 100,000 at ang incidence rate ay dapat lagpas pa sa 500.

At para sa populasyong hindi lalagpas sa 100,000 na hindi hihigit sa 500 ang COVID-19 cases nito at ang testing rate ng mga nasuri sa nakalipasna 28 araw sa kada 100,000 na populasyon.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Paglilinaw naman ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Karlo Nograles, hindi pinapayagang pumasok sa bansa ang mga biyahero na nagmula sa red list territories, kabilang na ang mga nanatili ng 14 araw sa nasabing mga lugar bago pa sila makarating sa Pilipinas.

Argyll Geducos