Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) ang patuloy na pagsisiyasat sa 52 kaso ng illegal drugs operations na nagresulta sa pagkamatay ng 56 na suspek at iba pang indibidwal.
Sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand M. Lavin na habang ang ahensya ay may kasunduan sa Philippine National Police (PNP) para sa isang joint investigation, “the bureau is conducting the proble alone.”
“We have clustered regional teams across the archipelago to handle investigations on 52 EJK (extrajudicial killing) cases referred by DOJ (Department of Justice),”sabi ni Lavin.
Aniya, ang 52 kaso ay ang tanging kaso, sa ngayon na iniimbestigahan ng NBI.
Sa talaan, ang 52 kaso ay isinumite ng PNP para sa pagsusuri ng DOJ nitong Hunyo matapos makita ng Internal Affairs Services (IAS) ng PNP ang pananagutan ng mga pulis na sangkot sa operasyon.
Matapos ang pagsusuri, ibinalik ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang resulta sa NBI para sa case buildup laban sa 154 na pulis na sangkot sa 52 kaso.
Noong Nob. 3, nilagdaan ng NBI at PNP ang isang memorandum of agreement (MOA) na magbibigay-daan sa dalawang ahensya na “magkasamang suriin ang anti-illegal drug operations ng gobyerno, at, kung kinakailangan, ay tukuyin ang posibleng criminal liability sa panig ng pulisya na kasangkot sa mga operasyong ito.”
“As state agencies, both Parties seek to ascertain the truth regarding the allegations of human rights violations and possible criminal liability in the conduct of the government’s anti-illegal drug operations,” pagsasaad sa MOA.
Sa ilalim ng MOA, nangako ang NBI at PNP na titiyakin ang “integrity and the immediate availability to the other party of any and all necessary information, including documents, records, and any and all relevant evidence. The Parties shall collect, provide, and/or transmit documents, records, and any and all relevant evidence in such manner as may be deemed convenient and appropriate to ensure confidentiality.”
Dagdag na saad ito, “the Parties shall prepare a full and detailed report of all relevant findings and recommendations for submission to, and consideration of, the respective agency heads, and, where necessary, file the appropriate criminal complaints against those found to have committed violations of applicable laws in the conduct of anti-illegal drug operations.”
Sa ilalim din ng MOA, ang NBI at PNP ay “magtatalaga din ng mga kinatawan mula sa kani-kanilang ahensya para sa mas madaling pakikipag-ugnayan.”
Gayunpaman, nitong Lunes, Nob. 29, hindi pa pinangalanan ang mga kinatawan mula sa NBI at PNP at hindi pa nabubuo ang joint team.
Jeefrey Damicog