Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means nitong Lunes, Nob. 19 ang mga panukalang batas na tumaas sa sampung porsyento mula sa limang porsyento ang rate ng discount sa mga singil sa tubig at kuryente ng mga senior citizen.

Sa isang pagdinig, ang House panel na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang nag-apruba ng value added tax exemption sa mga utility bill ng mga matatanda.

Nanawagan si PBA Partylist Rep. Koko Nograles na aprubahan ang mga probisyon sa buwis ng mga panukalang batas na nagmumungkahi na bigyan ang mga seniors ng mas malaking diskuwento sa kanilang singil sa kuryente at tubig.

Aa ilalim ng panukalang batas na inihain ni Rep. Mark Go (Baguio City), Estrellita Suansing (1st District, Nueva Ecija); at Horacio Suansing (2nd District, Sultan Kudarat) sampung porsyentong diskuwento ang ipagkakaloob para sa mga seniors sa kanilang unang 150 kilowatt hours (KWH) at sa unang 50 cubic meters ng singil sa kuryente at tubig, ayon sa pagkakabanggit.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ilalapat din ang VAT exemption sa nasabing buwanang pagkonsumo.

Aamyendahan ng panukalang batas ang Seksyon 4C ng Republic Act No. 9994, o kilala bilang Expanded Senior Citizens’ Act of 2010.

Ang pagpasa ng panukala ay inendorso rin ng House Committee on Senior Citizens.

Sa pagsasabing ang mga seniors ay binubuo ng pitong porsyento ng populasyon ng bansa, sinabi ni Go na may kagyat na pangangailangan na tulungan ang mga matatanda na “mas lantad sa iba’t ibang panganib at kahinaan.”

“This representation believes that increasing the senior citizen discount from five to ten percent on their monthly utilization of water and electricity supplied to households registered under the name of a senior is indeed essential to mitigate the burden of our elderlies,”sabi ni Go.

Sa kanilang bahagi, nanawagan ang mag-asawang Suansing para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga benepisyong ipinagkaloob sa mga senior citizens.

Ben Rosario