Hinimok nitong Lunes ni Senador Richard Gordon ang publiko na gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat laban sa banta ng posibleng hawaan ng Omicron, isang bagong COVID-19 variant na tinukoy ng World Health Organization bilang isang variant of concern.

“We should be really concerned about this new variant because it’s already spreading like wildfire. Let’s continue to wash our hands, keep our distance, get tested regularly and strive to be fully vaccinated,” sabi ni Gordon na siya ring chairman ng Philippine Red Cross (PRC).

“This pandemic will now be traveling 500 times faster than the Delta variant. The transmissibility is quicker and it’s more effective than any other previous variant,” dagdag niya.

Sa pagsasagawa ng gobyerno ng three-day national vaccination drive laban sa COVID-19 nitong Nob 29 hanggang Dis. 1, hinimok ni Gordon ang mga tao na mabakunahan sa lalong madaling panahon para sa karagdagang proteksyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Vaccines are scientifically proven to help people resist the ill-effects of the virus by helping the body recognize the pathogen and minimize its potency. Don’t be afraid of the side-effects. It’s like our body updating its anti-virus software,” pinunto niya.

Nabanggit ni Gordon na ang Omicron variant, may may scientific label na B.1.1.529 strain, ay nagpakita na mayroong maraming mutation mula sa original SARS-CoV-2 virus dahilan para pangambahan ng marami na maaari itong mas madaling maisalin at mas malakas kumpara sa Delta.

Ang pagtuklas ng South Africa sa Omicron ay ikinaalarma ng Amerika at iba pang bansa, kabilang ang Pilipinas at ngyaon ay nagpataw ng mga paghihigpit mula sa sa southern African countries.

Sinabi ng WHO na ang pagkatuklas ng Omicron noong Nob 9 ay kasabay ng matinding pagtaas ng kaso ng coronavirus sa ilang bansa sa South Africa. Nang maglaon, sa mga ulat, ang mga kaso ng Imicron ay umusbong sa Belgium, Botswana, Italy, Germany, Israel, United Kingdom, Italy at kalapit na Hong Kong.

Hannah Torregoza