Kumuha na ng abogado at magiging spokesperson ang Olympian pole vaulter na si EJ Obiena upang kumatawan ka kanya hinggil sa namamagitan ngayong iringan nila ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Sa kanyang social media post, inihayag ni Obiena na ang Gana Tan Atienza Avisado Law Offices na ang kakatawan sa kanya sa kasalukuyang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kontrobersya sa suweldo ng kanyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.

“Today, I have officially engaged Atty. Alex Avisado and the Gana Tan Atienza Avisado Law Offices as my legal counsel to represent me in all current and future investigations including the filing of any possible and appropriate civil, criminal, and administrative actions,” paglilinaw ni Obiena.

Sa kasalukuyan, ang tumatayong tagapagsalita ni Obiena ay si James Lafferty na trainer at adviser nito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kamakailan, ibinalita ni Lafferty na may mga bansa ng nagpahiwatig sa kanila ng kagustuhang makuha si Obiena at nakahanda rin silang bigyan ito ng pasaporte.

Matatandaang nag-ugat ang usapin nang paratangan ng PATAFA si Obiena na hindi umano sinusuwelduhan si Petrov.

Marivic Awitan