Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng mock polls sa Metro Manila at sa probinsya ng Isabela, Albay, Negros Oriental, Leyte, Maguindanao, at Davao del Sur sa Disyembre 29 bilang paghahanda sa May 2022 polls.

Ito ang ibinunyag ni Comelec Deputy Executive Director for Operations (DEDO) Teopisto Elnas sa isang online forum na inorganisa ng  National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) nitong Lunes, Nob. 29.

Base sa listahan na ibinigay ng Comelec, isasagawa ang mock polls sa mga sumusunod na lugar:

National Capital Region (NCR): Barangay San Pedro at San Roque sa Pateros; Barangay Ususan at Western Bicutan sa Taguig City; at Barangay 70 at 110 sa Pasay City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Isabela: Barangay District 1 (Pob) at Minanil 1 ng Cauayan City; at Barangay Magsaysay at Gayong sa Cordon.

Albay: Barangay Kawit East at Ilawod West sa Legaspi City; at Barangay Banawan at Caratagan sa Pioduran.

Negros Oriental: Barangay Taclobo at Balogo sa Dumaguete City; at Barangay Poblacion at Mayabon sa Zamboanguita.

Leyte: Barangay 6 at 6-A sa Tacloban City; Barangay Pob. Zone 11 at Gaas sa Baybay City; at Barangay Ipil II at San Juan sa Palompon.

Maguindanao: Barangay Rosary Heights 2 at Tamontaka 1 sa Cotabato City; Barangay Mother Pob at Pob 1 sa Shariff Aguak; at Barangay Poblacion at Dica sa Buluan

Davao del Sur: Barangay Zone 3 at San Miguel sa Digos City; at Barangay Poblacion at Talas sa Sulop.

Sa magkahiwalay na press briefing, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na kabilang sa mock polls ang totoong mga botante at board of election inspectors.

“I think on Dec.1 we are going to have a meeting with the IATF to discuss the security preparation for the mock election,” aniya.

Leslie Ann Aquino