Pinayuhan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang publiko na muling magsuot ng face shield kasunod ng banta ng bagong Omicron variant ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang pahayag ni Nograles matapos isara ng Pilipinas ang borders nito sa 14 na bansa dahil sa highly mutated variant at mataas na bilang ng mga kaso sa ilang teritoryo.

Sa kanyang press briefing nitong Lunes, Nob. 29, sinabi ng acting Palace spokesman na habang ang pagsusuot ng face shield ay boluntaryo na ngayon sa maraming lugar sa Pilipinas kabilang ang Metro Manila, mas mabuting nasa ligtas ng panganib.

“Of course, it is an added layer of protection. While it is voluntary, siyempre–Ako, personally, I would like to encourage ang ating mga kababayan,” sabi ni Nograles.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Kung kaya naman po magsuot ng face shield ay magsuot ng face shield para dagdag proteksyon na lamang po,” dagdag nito.

Sa kabila nito, naniniwala si Nograles na nasa mga eksperto aniya ang desisyon sa paggamit ng face shield.

Samantala, tiniyak ng opisyal ng Palasyo sa publiko na aktibong sinusubaybayan ng gobyerno ang mga pangyayari sa buong mundo.

Nitong weekend, pinalutang ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr.ang ideya na maaaring i-require muli ng gobyerno ang pagsusuot ng face shield sa gitna ng banta ng Omicron variant na unang natuklasan sa South Africa.

Nitong Nob. 15, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang mga rekomendasyon upang mapagaan ang patakaran kaugnay ng face shiled ng bansa at panatilihing mandatory ang nasabing kagamitan sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), Alert Levl 5, at granular lockdown.

Ang mga sumusunod ay alituntunin sa paggamit ng face shield:

-Para sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, Alert Level 5 at granular lockdown

-Para sa mga lugar na nasa ilalimj ng Alert Level 4, ang mga LGU at pribadong establisyimento ay binibigyan ng sariling pagpapasya ukol sa polisiya

-Para sa mga lugar sa ilalim ng Alert Levels 3, 2,1 ang paggamit ng face shield at boluntaryo.

Gayunpaman, nilinaw ni Nograles na ang paggamit ng face shields sa mga lugar na nasa Alert Levels 3, 2, 1 ay nasa pagpapasya ng establisyimento o mga negosyante.

Argyll Cyrus Geducos