Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Manila International Container Port (MICP), na suportado ng mga anti-narcotics operatives ng gobyerno, ang humigit-kumulang 15 kilo ng shabu sa isang buy-bust sa Caloocan City.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto kay Randy Rafael, ayon sa ulat ng MICP.

Bureau of Customs

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasamsam kay Rafael ang isang piraso ng Chinese teabag na naglalaman ng humigit-kumulang 1 kilo ng hinihinalang shabu gayundin ang 14 na piraso kagaya ng Chinese teabag.

Nasa P102 milyon ang street value ng nasabat na ilegal na droga.

Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine National Police sa Camp Crame sa Quezon City si Rafael. Nahaharap siya sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Drugs Act at sa RA No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Waylon Galvez