Iniutos na ng Sandiganbayan ilipat na sa pag-aari ng gobyerno ang ilang ari-arian ng isang negosyanteng konektado sa namapayang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Dahil dito, iniatas ng 2nd Division ng anti-graft court nitong Nobyembre 26, na kanselahin ang mga titulo ng mga ari-ariang nakapangalan kayAlfonso Lim at sa Taggat Industries, Incorporated kasabay ng pagpapalabas ng panibagong nakapangalan sa pamahalaan.

Apat sa mga ito ay nasa Claveria sa Cagayan na binubuo ng isang 8.1 na ektarya, 6 ektarya, 2 ektarya at 0.82 ektarya; dalalwanaman sa Angono, Rizal na binubuo naman ng isang 4.96 ektarya at isang 56.7 ektarya; at isa sa Laurel, Batangas a isang 129.15 ektarya.

Nakapangalan sa Taggat Industries ang ari-arian sa Cagayan habang sa Rizal at Batangas ay nakapangalan kay Lim. Gayunman, ang dalawang ari-arian sa Rizal ay ipinagbili na sa provincial government noong 2011 dahil sa hindi pagbabayad ng amilyar.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Pagdidiin pa ng hukuman, layunin lamang ng inilabas nilang resolusyon na maipatupadang desisyon sa usapin noong Disyembre 14, 2015.