Target ng Marikina City government na makapagbakuna ng may 30,000 indibidwal sa tatlong araw na National COVID-19 Vaccination Drive sa bansa na umarangkada na nitong Lunes.

Mismong sina Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, at iba pang opisyal ng DOH, Department of Interior and Local Government (DILG), at ng city government, ang nanguna sa kick-off ceremony ng naturang nationwide vaccination rollout, na isinagawa sa Marikina Sports Complex.

Nabatid na ang lungsod ng Marikina ang napili ng DOH para sa ceremonial kick-off ng nationwide vaccination drive dahil sa maayos na COVID-19 inoculation sa lungsod.

Matatandaang idineklara ni Pang. Rodrigo Duterte na National COVID-19 Vaccination Days ang Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 upang mas maraming mamamayan ang maturukan ng bakuna laban sa COVID-19, lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakatanggap naman ang Marikina ng 30,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa national government, na siyang gagamitin ng lokal na pamahalaan sa naturang massive vaccination drive.

“Ang nakuha naming bakuna ay nasa 30,000. Kaya ang target namin sa isang araw ay maka- 10,000 na babakunahan para sa ganun ay maka-contribute ang Marikina ng mga 30,000 for the national vaccination rollout,” ayon kay Teodoro.

“Ang idea namin is to contribute to a greater number, madagdagan ang bilang ng mababakunahan para sa ganun, lumaki ang bilang ng binabakunahan natin,” aniya pa.  

Mary Ann Santiago