Isa sa mga dumalong showbiz reporter sa ginanap na press conference para sa pelikulang 'Yorme' na tumatalakay sa talambuhay ni presidential aspirant Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, ang batikang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Naganap ang press conference na dinaluhan ng mga showbiz press people sa Max’s Restaurant sa Quezon City nitong Biyernes, Nobyembre 26.

Ayon sa Instagram post ni Manay Lolit, impressive para sa kaniya ang naganap na presscon lalo na't hinayaan lamang daw ng direktor na si Joven Tan na magsalita si Yorme Isko at hindi ito inagawan ng eksena.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

"Impressive para sa akin iyon mga sagot ni Isko Moreno sa presscon ng YORME, Salve. Saka gusto ko special mention iyon director na si Joven Tan na talagang nasa sulok lang at supportive, hindi gaya ng ibang umaagaw-eksena sa mga artista sa presscon. Hinayaan nila pati na ng producer na talagang si Isko Moreno ang mag-shine all thru out, kaya naman solong-solo ni Isko Moreno ang stage at conversation sa showbiz press," ani Lolit.

Diretsahan umano niyang sinabi kay Isko na parang maaga pa o 'hilaw' pa masyado ang desisyon nitong tumakbo sa pagka-pangulo. Diretsahan din umano ang naging tugon nito sa kaniya.

"Talagang openly sinabi ko na palagay ko too early for him to run for President at buo din ang naging sagot niya na he is ready and he feel it is the right time for him. Mahusay niyang nasagot ang bawat tanong, at naipaliwanag ang mga bagay-bagay," ayon sa showbiz columnist.

Nanawagan siya sa publiko na isantabi muna ang politika at panoorin ang pelikulang Yorme dahil marami raw mga aral sa buhay ang mapupulot dito.

"Itapon natin ang political issue at tingnan natin ang movie na YORME as a good one na may lesson sa buhay na mapupulot ka, na isa itong realidad sa buhay na maganda ang aral sa pagbangon sa hirap. The story of Isko Moreno life is too dramatic hindi mo aakalain na nangyayari sa tunay na buhay. Watch it, magandang aral para sa lahat."

Sa isa pang Instagram post, kagaya raw ng laban ni Isko sa pagka-pangulo ay parang 'David at Goliath' din ang pelikulang 'Yorme' dahil makikipagtagisan ito sa takilya, kalaban ang foreign movies na ipalalabas na sa mga sinehan.

Samantala, ano naman ang masasabi ni Yorme Isko sa pelikulang ito?

"If this will be the first, I am honored to open the opportunity for local producers to take the risk and venture into the movies again," sagot ng presidential candidate at standard bearer ng Aksyon Demokratiko.

"Positive kasi ako eh. Malaking challenge ito dahil lalabas yung mga Marvel movies. Hindi ko tatalunin yun. Ako naman alam ko saan ang kahinaan ko or kung saan ako mag-e-excel. Malakas ang mga pelikula na yun."

"Malakas ang foreign films, but it is high time na sa ating mga kababayan na suportahan natin ang sariling atin. Hindi lang yung ‘Yorme’ kundi yung industriya itself: the Philippine movie industry. Yun ang susuportahan natin."

“More than that, it is the industry that I am after, na finally, ang Philippine showbiz, ay makakapag-produce na muli ng mga pelikula, makakapag generate ng negosyo, trabaho. Unti-unti na rin magbubukas ang movie industry."

“Ngayong lang muli magbubukas ang sinehan sa atin, after one year and nine months. So this is a signal to the investors in the Philippine movie industry to bankroll again.”

Hangad ni Yorme Isko na mapanood ito ng lahat, lalo na ng kabataan.

"It doesn’t matter if the movie will succeed or not. What matters most is that there’s a signal for the Philippine movie industry to open up again and invest in our talents. The next challenge is how the Philippine movie industry will become more competitive in terms of craftsmanship. Filipino talents are competitive.”

“Kapag napanood ng mga kabataan ang ‘Yorme,’ sasabihin nila sa sarili nila na masuwerte pa pala sila dahil hindi nila inabot ang sinapit ni Isko na kumakain ng mga tira ng ibang tao,” aniya.

Ang pelikulang 'Yorme' ay isang musical biopic movie ng buhay ni Mayor Isko Moreno Domagoso produced by Saranggola Films at Viva Films.

Ang gaganap na batang Isko ay si Raikko Mateo, na nakilala bilang si 'Honesto' sa ABS-CBN, ang teenage version naman ay si McCoy De Leon, at ang adult at present version ay si Xian Lim. Ipalalabas ito sa ilang piling sinehan sa Disyembre 1.