KALINGA - Natimbog na ng mga awtoridad ang isang babae na wanted dahil sa pag-iwan ng₱37,320,000 halaga ng marijuana sa naturang lalawigan nitong nakaraang Abril, sa ikinasang follow up operation sa pinagtataguan nito sa Muntinlupa City kamakailan.
Nasa kustodiya na ng Tabuk City Police si Shiela Caranto Bongulan, 36, taga-Camella 2, Muntinlupa, at kabilang sa Regional Top 10 drug personality sa Cordillera, ayon kayKalinga Provincial Police Director Davy Limmong.
Si Bongulan, ayon kay Limmong, ay inaresto ng mga tauhan ng Tabuk City Police nitong Nobyembre 25 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Tabuk City Regional Trial Court Branch 25 Judge Jerson Eckman Angog sa kasong paglabag saComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165).
Matatandaang tumakas si Bongulan at iniwan ang isang kotse kung saan nakasakay ang 311 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana matapos maharang sa isang checkpoint sa Tabuk nitong nakaraang Abril 18.
Kasama rin ni Bongulan sa pagtakas si Victor Sabado Guimba na natimbog na ng mga awtoridad.
Zaldy Comanda