Nag-donate ang gobyerno ng Poland ng 547,100 doses ng AstraZeneca coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa Pilipinas nitong Linggo ng hapon, Nob. 28.

Lulan ng Emirates Airlines flight EK 332 bandang alas-4 ng hapon, lumapag ang higit-kalahating milyong bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ito ay minarkahan ang unang pagkakataon na ang Poland ay nagbigay ng libreng COVID-19 vaccines sa bansa mula nang magsimula ang pandemya nitong nakaraang taon.

Ang delivery ay dumating isang araw bago simulan ng gobyerno ang national vaccination days laban sa COVID-19 nitong Lunes kung saan hindi bababa sa siyam na milyong Pilipino ang target mabakunahan.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr sa isang virtual press briefing na ang paglitaw ng bagong variant na Omicron ay dapat mag-udyok sa mga lokal na pamahalaan na ituloy ang isang mas agresibong diskartte sa kanilang mga kampanya sa pagbabakuna.

“Even against the Delta variant, vaccination is very effective in terms of protecting [the public] from hospitalization, severe cases, and death,”ani Galvez.

Sa paghahatid, ang suplay ng bakuna ay tumaas pa sa 142, 153, 340 doses, kung saan 81,017,994 doses ang naibigay noong Nob. 27 habang nasa 61 milyong doses ang nasa stockpile ng gobyerno.

May kabuuang 45,286,049 na indibiwal ang nakatanggap ng kanilang unang dose habang 35,557,409 na iba pa ang ganap na nabakunahan.

Mayroon ding 174,536 katao ang nabigyan ng kanilang mga booster shot.

Martin Sadongdong