Nakatakdang isampa sa hukuman ng siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang kasong pandarambong laban sa mga opisyal ng Quezon provincial government sakaling ituloy ng mga ito ang pagpapalabas at paggamit sa 2021 Annual Budget ng probinsya.

Sa pahayag ng siyam na provincial board member sa pangunguna ni Majority Leader Sonny Ubana, ihaharap nila ang kaso sa Lucena Regional Trial Court (RTC) laban kay Governor Danilo Suarez at sa mga department head ng kapitolyo.

Hinihintay na lamang ng grupo ni Ubana na gamitin ng mga opisyal ng lalawigan ang taunan nilang badyet, kahit hindi pa nareresolba ng korte ang usapin.

Matatandaang ang panukalang 2021 Annual Budget ay hindi inaprubahan ng mga miyembro ng Majority bloc ng panlalawigang konseho dahil sa umano pagiging kuwestyunable nito.

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Gayunman, kamakailan lamang ay inaprubahan din ito ng apat na bokal na bumubuo ng Minority bloc sa isang special session makaraan matapos suspendihin ng Office of the President ang mga ito.

Bilang reaksyon, ang mga nasuspindeng bokal ay nagharap ng petisyon sa korte dahil sa anila'y iligal na pagdaraos ng dalawang special session ng apat na bokal at ng bise gobernador nito.

Sa nasabing sessyon, inaprubahan ng mga ito ang panukalang annual budget para sa 2021 at 2022 sa umano'y iligal na pamamaraan.

Nauna nang inanunsyo ng gobernador nalegal ang ginawa ng mga kaalyado niya sa konseho. Agad din siyang nag-anunsyo na itutuloy niya ang paggamit sa pondo at nangako mapapakinabangan ito ng kanilang nasasakupan sa lalong madaling panahon.

Kasama rin sa natakdangkasuhan ng pandarambong sina Provincial Accountant Evangelina Ong, Provincial Treasurer Rosario Marilou Uy, Provincial Budget Officer Diego Salas, at Provincial Agriculturist Roberto Gajo.

Bella Gamotea