PRAGUE, Czech Republic -- Kinumpirma ng isang regional hospital mula sa lungsod ng Liberec ang unang kaso ng bagong Omicron strain ng COVID-19 sa isang babaeng pasyente, ayon sa spokesman na si Vaclav Ricar.

“My colleagues from the department of genetics and molecular diagnostics confirmed the strain with 90-percent probability after a sequence analysis,” ani Ricar.

“Given where the patient came from and all the circumstances, we can confirm the strain has been confirmed,” dagdag pa ni Ricar. “But the result is already very precise."

Naunang sinabi ni Czech Prime Minister Andrej Babis nitong Sabado na nagtungo ang babae sa Namibia at bumalik sa Czech Republic sa pamamagitan ng South Africa at Dubai.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ayon pa kay Babis, bakunado ang naturang babae at mayroong mild symptoms ng sakit.

Ang Czech Republic. isang EU member na may 10.7 milyong katao, ay kasalukuyang nakikipagbuno sa pagtaas ng mga impeksyon ng COVID-19. Isa ito sa mga bansang pinaka naapektuhan base sa mga naitalang impeksyon ng sakit.

Noong Huwebes, nakapagtala ito ng record-high daily growth na 27,717 na bagong kaso.

Sa kabuuan, umabot na sa 2.1 milyon ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa at 32,744 naman ang namatay.

Samantala, sumang-ayon ang mga opisyal ng EU noong Biyernes na himukin ang lahat ng 27 na bansa na magpataw ng travel restrictions mula sa ilang bansa sa southern Africa.

Nagpataw agad ang Czech Republic ng travel restrictions mula sa rehiyon noong Biyernes.

Agence-France-Presse