Pinag-iisipan ng gobyerno ang muling pagpapatupad ng paggamit ng face shield sa pampublikong lugar sa gitna ng banta ng Omicron (B1.1.529) variant.
Ito ang ibinunyag ni Sec. Carlito Galvez Jr., vaccine czar and chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19, nitong Linggo, Nob. 28, matapos ma-detect ang Omicron sa ilang African at European countries ay nagdulot ng global panic at paghihigpit ng mga restrictions.
Sa katunayan, sinabi ni Galvez na pabor si Inter-Agency Task Force (IATF) chairman and Department of Health Secretary Francisco Duque III sa naturang ideya.
“We will look at the possibility. He [Duque] is pro na maibalik ang any protection na pwede nating gamitin," aniya.
“Some people from the World Health Organization (WHO) also believes that we had a good campaign against the Delta variant as compared to other [countries] because of the added protection due to face shields,” dagdag pa niya.
Noong Nob. 15, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng IATF na alisin na ang mandatory use ng face shield sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3.
Sa ngayon, sinabi ni Galvez na wala pang naitatalang kaso ng Omicron ang Pilipinas.
Martin Sadongdong