Binawi na ng Philippine government ang ipinatupad na pagbabawal sa mga biyahero mula sa Hong Kong na pumasok sa bansa bunsod ng bagong Omicron (B1.1.529) variant.
Sa pahayag ngNational Task Force (NTF) Against the Coronavirus Disease (COVID-19) nitong Linggo, Nobyembre 28, ipinasya nilang iurong ang naunang pahayag na isama ang Hong Kong sa mga bansang maytravel ban matapos umanong magkalisi NTF spokesperson Restituto Padilla sa isang radio interview nitong Sabado.
“The NTF wishes to clarify that the inclusion of Hong Kong flights as part of inbound international flights temporarily suspended due to the emergence of the Omicron variant is not yet final,” ayon sa pahayag ng NTF.
Gayunman, nilinaw ng NTF, hihintayin din nila ang magiging pahayag ngInter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kung ibibilang pa nila ang Hong Kong sa nabigyanng travel ban
“The government, through favorable recommendations from the Department of Health (DOH), will work to ensure timely adoption of pre-emptive measures to prevent or delay the entry of new variants which have potential for undermining public health,” paliwanag ng NTF.
Humingi rin ng paumanhin ang NTF dahil sa kalituhan na nag-ugat sa nasabing usapin.
“Until a formal announcement from the IATF is made, HK flights will still be allowed,” paglalahad pa ng NTF.
Matatandaang nabahala ang iba't ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas, nang maiulatkamakailan na may nadiskubreng bagong COVID-19 variant ang South Africa.
Martin Sadongdong