Lumipad na patungong bansang Israel nitong gabi ng Sabado, Nob. 27 ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Beatrice Luigi Gomez.
Sa larawang ibinahagi ng Miss Universe Philippines, nagsimula nang iwagayway ni Bea ang watawat ng Pilipinas para sa inaabangan nang Miss Universe competition ngayong taon.
“Emotions are high tonight, Philippines! We’re happy, excited, proud, and nervous but we know you got this, Bea! Safe travels and make us all proud!” mababasa sa caption ng MUP organization sa larawan ni Bea sa international departure ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nagpahiwatig naman ng kahandaan sa kompetisyon si Bea nang ibahagi nito ang larawan lulan ng eroplano.
"It’s game time Philippines! Just boarded and off to a cozy trip to the Land of Creation. Comfortably lounging in my @turkishairlines business class seat. This is gonna be a long and exciting night! See you in a few hours Israel ” ani Bea sa kanyang Facebook post.
Nakatakdang ganapin sa Disyembre 12 ang 70th Miss Universe competition sa bansang Israel.
Si Bea ang kauna-unahang delagada ng Pilipinas na ladlad na kabahagi ng LGBTQ community.