Ayon sa preliminary report na inilabas ng US Food and Drug Administration (FDA), epektibo ang anti-COVID pill o molnupiravir, na inilabas ng Merck.

Nilinaw naman ng FDA advisory panel na hindi dapat gamitin ang molnupiravir ng mga buntis.

Naglabas rin ng resulta ang Merck nitong Biyernes, Nobyembre 26.

Sa resulta na inilabas ng Merck, 30% na nakakatulong kontra hospitalization at deaths sa mga high-risk COVID patients.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Dagdag pa ng FDA, walang buntis ang kasali sa ginawang trial test ng Merck.

"Both known and possibly unknown risks … in pregnant or lactating individuals and pediatric patients," ayon sa report.

Sa Pilipinas, matatandaan na dumating sa bansa ang unang batch ng Molnupiravir noong Nobyembre 17, at kauna-unahan ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na nakatanggap nito.

Basahin: Oral pill kontra mild, moderate na kaso ng COVID-19, meron na sa OVP

Nagpasalamat naman si Bise Presidente Robredo sa pagtitiwala sa kanilang opisina ng mga partner nito sa bagong proyekto.