Tinutukan ng mga Sharonian o die-hard supporters ni Megastar Sharon Cuneta ang paglabas ng kaniyang karakter sa longest-running teleserye na 'FPJ's Ang Probinsyano', sa Friday episode nitong Nobyembre 28.

Ang pasilip sa magiging karakter ni Mega ay naging mabilis lamang at syempre, talagang inilagay sa bandang dulo para nga naman hindi umalis sa pagtutok ang mga televiewer. Ang pangalan niya ay Aurora at mukhang siya ang anak ng karakter na si Don Ignacio, na ginagampanan naman ni Tommy Abuel.

Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero simula sa Lunes, Nobyembre 29, tuloy-tuloy na ngang mapapanood ang Megastar sa naturang serye na pinagbibidahan ni Coco Martin, at mukhang hindi lamang siya guest dito kundi dagdag sa mga bigating cast members nito. Naging bongga rin naman ang pag-welcome sa kaniya ng FPJ's AP family sa ABS-CBN building, na isinabay pa sa pagpirma ni John Lloyd Cruz ng kontrata sa GMA Network. May pa-special pa nga ang ASAP Natin 'To para sa kanilang 6th anniversary (nalampasan na ang classic soap opera na 'Mara Clara' na umere ng limang taon).

Anyway, fearless comment naman ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang radio program na 'Cristy Fer Minute' kasama si Romel Chika, mukhang magiging mahigpit ang labanan ng serye sa katapat nitong serye sa GMA Network na 'I Left My Heart in Sorsogon' na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Paolo Contis, at bagong Kapusong si Richard Yap.

In fairness, maganda naman din ang kuwento nito at bago sa paningin ng lahat ang pagsasama-sama ng tatlo. Ito rin ang unang beses na magkakasama-sama sila sa isang proyekto, at unang teleserye ni Yap matapos ang paglipat sa Kapuso Network. Syempre, hindi rin dapat ismolin ang hatak ni Heart sa publiko. Masaya rin si Paolo sa mga feedback na natatanggap niya sa kaniyang pag-arte, bagama't nakabuntot pa rin ang intriga sa kaniya tungkol sa umano ay espesyal na pagkakaibigan nila ni Yen Santos.

Going back to Mega, ito kasi ang unang beses na napabilang si Shawie sa isang teleserye ng ABS-CBN, sa tagal na panahong isa siyang Kapamilya. Nasanay ang mga tao sa kaniya na pinapanood siya sa mga pelikula. Kaya naman, nakakasabik nga namang mapanood ang nag-iisang Megastar sa isang teleserye sa loob ng ilang dekada.

“Kapag ikaw ay nasanay 'ika nga sa isang mundo na ginagalawan mo ay hinahanap mo ang trabaho. Malungkot ka kapag nawala ‘yun. Para kang isda na mula sa tubig na inilipat sa lupa parang ganoon," wika ni Cristy.

“Kaya enjoy na enjoy po talaga si Sharon Cuneta sa kanyang pagbabalik-telebisyon dito po sa seryeng Ang Probinsyano."

Sa Instagram posts naman ni Mega, ibinahagi niya ang ilang mga litrato nila ng mga makakatrabahong artista sa serye, na talaga namang mainit ang pagtanggap sa kaniya.

Coco Martin, John Prats, at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Shaina Magdayao at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Raymart Santiago at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Rowell Santiago at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Michael De Mesa at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Tirso Cruz III at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Rosanna Rocess at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Jaime Fabregas at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Angel Aquino at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Lorna Tolentino at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Julia Montes at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Coco Martin at Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

FPJ's Ang Probinsyano cast (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)