Sa opisyal na pahayag ng Puteri Indonesia Foundation na may hawak ng local franchise ng Miss Universe sa Indonesia, hiniling nito ang matagumpay na pagdaraos ng 70th Miss Universe sa bansang Israel.

“The Puteri Indonesia Foundation wishes the 70th Miss Universe Competition and all the delegates great success. May the best candidate win the covted title, and continue to insoire all women in their communities,” sabi ng organisasyon sa isang pahayag nitong Linggo, Nob. 28.

Dahil umano sa higpit ng mga nakalatag na restrictions laban sa COVID-19 sa Indonesia, bigong maging kabahagi ang bansa sa kompetisyon ngayong taon.

“With a heavy heart, we would like to inform you that we will not be able to participate in the 70th Miss Universe Pageant. Tight preparation time and local COVID-19 restrictions led to our decision of not ending our Indonesian representative for this year’s competition,” dagdag ng pahayag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, umaasa ang Puteri Foundation na makakapagoadala sila ng kandidata sa susunod na taon.

“The Puteri Indonesia Foundation is currently conducting selection process across several provinces in Indonesia.”

Gaganapin sa Disyembre 12 ang Miss Universe 2021 sa Israel.