Hinimok ni Senador Imee Marcos nitong Lingg, Nob. 28 ang gobyerno na palakasin ang COVID-19 testing habang ipinahayag niya ang pagkaalarma sa pagkalat ng Omicron variant na unang naitala sa South Africa na maaaring maging dahilan pa sa isa pang serye ng mga hard lockdown at travel restrictions sa Pilipinas.
Sinabi ni Marcos na dapat isaalang-alang ng gobyerno at pribadong sektor ang pag-alok ng World Health Organization (WHO) ng bagong teknolohiya sa bagong blood-testing technology para sa libreng paggawa at madaling paggamit sa kanayunan upang mapabilis ang kakayahan ng bansa sa COVID-19 testing.
Sinabi ng senador na ang pagkuha ng bagong teknolohiya upang madagdagan ang kapasidad ng testing sa bansa ay kailangan “now more than ever” upang mapalakas ang national vaccination program, nmg pamahalaan na sinasalot pa rin ng pag-aalinlangan ng publiko, hindi sapat na cold storage at transportasyon sa mga isla at bundok na lalawigan at isang nagbabantang pandaigdigang kakulangan ng mga syringe needles.
“Mass vaccination alone is not enough for pandemic control if new variants like Delta and Omicron keep emerging,”sabi ni Marcos sa isang pahayag.
“We need to get ahead of their spread through early detection and isolation, if we don’t want more blanket lockdowns and a further drag on our economy,” pagpupunto ng chair of the Senate Economic Affairs Committee.
Giniit ng mambabatas, ang mga health experts ay naghahanda na ngayon para sa isang senaryo na maaaring gawin kung hindi epektibo ang bakuna sa Omicron matapos makita ang mas maraming mutations sa spike protein nito na nagpapahintulot sa virus na makapasok sa mga human cells.
Sinabi niya na ang bagong developer ng teknolohiya sa pagsusuri ng dugo, ang Consejo Superior de Investigaciones (Spanish Research National Research Council), ay pumirma ng isang kasunduan sa paglilisensya sa COVID-19 Technology Access Pool ng WHO at ang Medicine Patent Tool upang talikdan ang mga royalty nito hanggang sa huling mawawalan ng bisa ang patent at magturo at magsanay ng mga sub-license.
“The government and health industry players should acquire sub-licenses being offered for free to learn and manufacture this technology,” sabi ni Marcos.
“It’s a solution to vaccine inequity in low- and middle-income countries, in our poorer municipalities,” pagpupunto niya pa.
Inihayag ng WHO na ang kanayunan na may pangunahing imprastratura ng laboratoryo ay maaaring gumamit ng bagong teknolohiya na nakakakita ng mga COVID-19 antibodies na na-activate sa pamamagitan ng impeksyon o pagbabakuna na may mga resultang nababasa ng mata.
Nagbabala si Marcos na kahit ang infection rate sa bansa ay bumaba mula sa 26,000 bawat araw nitong Setyembre hanggang mas mababa sa 1,000 nitong nakaraang linggo, “hindi tayo immune sa isang pandemic resurgence na nagaganap ngayon sa Africa at Europa.'
“With fewer COVID cases and Christmas approaching, our celebratory mood may throw caution to the wind. Let’s get those sub-licenses, increase our testing capacity, and guard our future,” giit ng mambabatas.
Hannah Torregoza