Nakakuha ng suporta ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mula sa dating Malacañang spokesperson na si Harry Roque para sa kanyang presidential bid sa 2022 national elections.
Inendorso ni Roque, dating tagapagsalita ni Pangulong Duterte, ang presidential aspirant at nagpahayag ng kanyang pagnanais na kunin siya ng PFP bilang guest candidate sa pagkasenador sa isang sulat na ipinadala kay PFP chairman Marcos nitong Huwebes, Nob. 25.
Hindi na umano sorpresa ang hakbang na ito dahil mas maraming personalidad sa politika ang inaasahan pang sasali sa alyansa ng Bongbong-Sara Uniteam sa darating na araw upang higit pang palakasin ang panawagan ni Marcos para sa pagkakaisa habang unti-unting umuusad ang bansa mula sa COVID-19 pandemic tungo sa "healing and national recovery."
Si Roque, dating Kabayan partylist solon, law professor at human rights advocate, ay itinalaga bilang tagapagsalita ng Palasyo noong 2017-2018 at muling itinalaga noong Abril 2022 hanggang nagbitiw ito sa kanyang puwesto nitong Nobyembre nang opisyal niyang inihain ang kanyang kandidatura sa pagkasenador.
Melvin Sarangay