Nagsuspinde ng klase ang Adamson University (Adu) nitong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 upang suportahan ang vaccination drive ng gobyerno at hinikayat ang mga estudyante nito na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Sa isang joint memorandum, inabisuhan ninaAdU Vice President for Academic Affairs Dr. Catherine Q. Castaned at Vice President for Administrative Affairs Dr. Venusmar C. Quevedo ang kanilagmga estudyante at faculty members na lumahok sa tatlong araw ng vaccination drive.

“The administration of Adamson University then decided to declare the suspension of classes on the said dates as a way to support the government’s vaccination drive and encourage our students to get vaccinated,” ayon sa memorandum.

Pinaalalahanan din ng Adamson ang kanilang mga guro na tiyakin na hindi seryosong maaapektuhan ang pag-aaral ng kanilang mga estudyante.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Gabriela Baron