Inilabas na ng Quezon City government ang mga alituntunin para sa mga bazaar, flea markets, at iba pang pop-up stores na mag-ooperate ngayong kapaskuhan.

Ang mga vendor, organizer, at ibang personnel ng mga bazaar ay dapat fully vaccinated at dapat kumuha ng business permit mula sa Business Permits and Licensing Department (BPLD) ng lungsod, ayon sa city government.

Hinihikayat silang magsagawa ng al fresco o outside dining (para sa mga food business) at kailangan nakahanda sa entrance ang thermal scanners at "KyusiPass" contract tracing forms.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ilang malls na ang nagsimulang magsagawa ng mga bazaar nitong Nobyembre, at ang iba pang mga iskedyul ay hindi pa inaanunsyo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Samantala, ang mga street vendors, hawkers, at ambulant vendors ay pinapayagang magtinda basta sila ay makakuha ng permit mula sa Market Development and Administration Department (MDAD).

Kailangan magpakita ng vaccination cards bilang patunay na sila ay fully vaccinated.

Pinaalalahanan din ng lokal na pamahalaan ang mga residente na magsuot ng face mask at sundin ang mga health and safety protocols.

Aaron Dioquino