Inatasan ni Gen. Dionardo Carlos, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang lahat ng police commander na maghanda para sa face-to-face classes sa Metro Manila.
Ito ay matapos magbigay ng go-signal ang Department of Education (DepEd) para sa ilang paaralan na ituloy ang face-to-face classes simula Disyembre 6 bilang bahagi ng panukalang bumalik sa normal ang panuruan.
Hindi bababa sa 28 paaralan sa Metro Manila ang tinitingnan bilang pangunahing batch para sa pagpapatuloy ng pisikal na klase.
“The PNP will secure a final list of the participating school so I can order the chiefs of police in those areas to plan for their deployment to ensure security in these school premises,”sabi ni Carlos.
Ngunit sinabi ni Carlos na ang pakikilahok ng pulisya sa paraalan ay hindi katulad ng nangyari sa Pangasinan kung saan armado ng mahabang baril ang mga pulis habang nasa loob ng silid-aralan.
“Schools are zones of peace and we will acknowledge that. Much has been done to orient our personnel regarding this policy,”sabi ni Carlos.
Aaron Recuenco