Nagrekomenda nitong Sabado, Nob. 27 ang Philippine General Hospital-Hospital Infection Control Unit (PGH-HICU) na ilunsad ang mga Christmas party at year-end event sa isang "open-air" setup.

Sa inilabas na guidelines nito, sinabi ng PGH-HICU na habang mas gusto ang mga virtual program sa ngayon, maaaring magsagawa ng face-to-face Christmas party sa mga silid kung saan maaaring buksan ang mga pinto at bintana upang mapanatili ang maayos na sirkulasyon ng hangin.

Samantala, pinapayagaan din ang ang face-to-face games, kantahan at katulad na mga aktibidad ngunit ang mga kalahok ay dapat mahigpit na magsuot ng face mask sa buong event.

Pinapayagan din ang caroling sa loob ng mga opisina kung mananatiling nakasuot ng mask ang lahat ng performers sa buong performance.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“If the indoor set-up is preferred, the exact number of individuals who will be allowed in these activities will be dictated by the duration of activities, the use of air purifiers and High Efficiency Particulate Air filters,” ayon sa patakaran.

“A Carbon Dioxide monitor should also be used to show that good air quality is maintained at a level of less than 800 parts per million,” dagdag nito.

Pagpapaalala ng PGH-HICU, ang lahat ng anyo ng mga Christmas buffet, piging at iba pang porma ng “salu-salo” mula sa mga karaniwang kaldero o pinggan ay hindi hinihikayat. Sa halip, ang setup ng mga naka-pack na pagkain ay mas ligtas sa isang open-air setup.

“Eating together will only be allowed in an open-air set-up. Eating together inside enclosed spaces is discouraged regardless of vaccination status of staff, and can only be done if a 1-meter distance can be ensured between people using a staggered schedule,” sabi ng PGH-HICU.

Inirerekomenda din ng PGH-HICU na iwasan ang mahabang pila sa pamimigay ng pagkain at magdamag na events sa pagdiriwang ng Pasko.

Gabriela Baron