Matapos umaning iba't ibang reaksyon ng publiko kaugnay ng napanalunang mahigit sa₱378 milyon sa lotto nitong Biyernes ng gabi, kaagad nanagpaliwanag ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Nobyembre 27.
Sa pahayag ng PCSO, isang taga-Oriental Mindoro ang nag-iisang nanalo ng₱378 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi.
Matapos maisapublikoang resulta ng nasabing draw kung saan nanalo ang 6-digit combination na 20-17-12-29-10-46, hindi agad binanggit ng PCSO kung taga-saan ang lotto winner.
Nitong Sabado, nilinaw niPCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, na nabili umano ng nanalo ang kanyang ticket sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Alinsunod naman sa TRAIN(Tax Reform for Acceleration and Inclusion) law,ang lotto winnings na mahigit sa₱10,000 ay papatawan ng 20% final tax.
Sa sandaling kubrahin na ng winner ang kanyang premyo ay bawas na ito ng 20% kaya’t inaasahang mahigit sa₱300 milyon pa rin naman ang salaping maiuuwi ng naturang mananaya.
Mary Ann Santiago