BAGUIO CITY – Nanawagan si Mayor Benjamin Magalong sa mga residente na huwag kasiyahan o maging kampante sa pagbaba ng kaso ng COVID-19, sa halip ay panatilihin pa rin ang minimum health protocols hangga’t patuloy pa rin ang banta ng pandemya.

“Ayaw natin mangyari ang nangyayari ngayon sa bansang Amerika at Europa, India at ngayon sa South Africa sa muling surge ng COVID cases, kaya doble ingat pa rin tayo at mapagbantay hangga’t nasa panahon pa tayo ng pandemya.”

Aniya, ang pag-aalis ng face shield at pagpayag na muling makapasok ang turista ay hindi nangangahulugan na nasa normal na ang kapaligiran, kundi ito ay isang paraan na maibangon ang ekonomiya sa lungsod.

“Even if our cases had gone down to single digits, we still regard the actual number as twice the reported one because there are still cases that are unreported. Moreover, we continue to receive reports on Delta variant cases so we cannot relax.Instead, we remain to be very vigilant,” pahayag ni Magalong.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Magalong, mas pinaiigting ng city government ang contact tracing efficiency at testing capacity, lalo na ang agresibong kampanya sa vaccination program upang ma-attain ang 100 percent vaccination target population,upang masiguro na ang virus transmission ay masugpo.

Nanawagan din si Magalong sa mga hindi pa bakunado, kabilang na ang mga kabataan na edad 12-17, na makilahok sa tatlong araw na National Vaccination Day sa ilalim ng Bayanihan, Bakunahan, na programa ng pamahalaan na mabakunahan na ang buong mamamayan ng bansa na gaganapin sa Nobyembre 29,30 at Disyembre 1.

Ayon kay Magalong, 49 vaccination site ang kanilang isasagawa para sa roll-out ng vaccination program, kabilang na ang community, district at mega areas na matatagpuan sa parks, halls, schools, gymnasiums, churches, covered courts, playgrounds, day care centers at barangay halls.

“Ginawa namin ito para wala ng dahilan na magkumpulan ang gustong magpabakuna sa iilan nating sites, gayon marami na silang mapupuntahan at umaasa kami sa kooperasyon ng ating komunidad na samantalahin ang pagkakataong ito, upang magtuloy-tuloy na ang “normal” nating pamumuhay at pagbangon ng ating ekonomiya,” wika pa ni Magalong.

Bukod dito, taget din ng City Health Department Office ang mobile vaccination para sa housebound vaccinees,para mabakunahan din ang mga elderly o’ disabled sa tulong ng pagi-identify ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERTs).

“A drive-through vaccine session is also scheduled for motorists, and their passengers at Athletic Bowl, Burnham Park.”

Ayon pa kay Magalong sa kabila ng agresibong vaccination program ay mahigpit na pinagtutuunan ng pansin ang tinatawag na Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR), na isang strategies sa unti-unting pagbaba ng kaso sa lungsod.

Ang muling pagtanggap ng turista noong Oktubre 25 ay ginawa ni Magalong, kahit nasa Alert Level 3 pa ang siyudad ay alang-alang sa kahilingan ng mga negosyante na makabangon at sumigla ang kalakalan.

Mula sa 2,000 daily ay itinataas sa 3,000 daily ang pagtanggap ng bisita at nakita naman ang muling pagsigla ng turismo sa Summer Capital.

“We will beef up its triaging system to ensure that health and safety protocols are maintained even with the increasing number of visitors and entrants as part of the calibrated reopening of the city’s economy. We accept visitors na fully vaccinated lamang.”

Ayon naman kay City Administrator Bonifacio Dela Peña, nagset- up na sila ng karagdagang triage units sa mga accredited hotels at bus companies para ma-decongest ang central triage sa Baguio Convention Center, lalo na kapag weekends, long weekends at holidays, na inaasahang dadagsa ang bakasyunista ngayong holiday seasons.

Aniya ang paghihigpit sa border at triage ray isang contingency measure laban sa Delta variant surge, kaya lahat ng incomplete at fake dokumento ay hindi pinapapasok sa lungsod para sa kaligtasan ng mga residente.

Zaldy Comanda